Nung nakaraang biYERNES habang nagpapaFULLTANK kami ng sasakyan nakita ko ang mga batang nagtitinda ng sampaguita, kumatok sa may salamin, at nag-alok ng sampaguita, hindi siya napansin ng aking kasama, gusto ko sang bumili, kaya lang lumayo na siya at hindi na nagmapilit pang magbenta, sa kabilang panig naman ay nakita ko ang kanyang ina, nakaupo at nagmamasid rin sa paligid, at wari'y hinihintay ang anak na makabenta , nagsanib ang inis at awa ko . . .inis sa ina nila at awa sa mga bata, sa pagkakatanto ko nnung mga ganoong edad pa ako ay nasa bahay lamang ako nakatutok ang mata sa TV o di kaya'y nasa school at nakikipaglaro sa kapwa ko musmos, samantalang sila na mga wala pang alam sa mundo, ay kumakayod na para mabuhay at labanan si GUTOM . kasi kung hindi , susunduin aad sila ni kamatayan, napagwari ko tuloy, maswerte pa rin ako at kahit siguro ikaw, hindi dahil sa agwat ng estado ng buhay ko sa kanila, kung hind dahil mayron ako masisipag, mapagmahal at higit sa lahat responsableng magulang, na hindi ako pinapabayaan . . . at binibigyan ako ng magandang kinabukasan . . .
HIndi ba nakakaawa ang mga ganuong bata??? hindi na bibigyan ng tamang gabay sa buhay, kung bakit ba kasi nagpabuntis ang kanilang nanay e wala pa ngang nararating sa buhay...pati tuloy sila nadamay... hindi naman masama mag-anak pero may tamang panahon kasi para diyan...hindi yung magsyota pa lang kayo, ume-echos na kayo , yan tuloy lalong dumadami ang urban poor sa bansa... , at kung sadyang makati at hindi mapigilan........ikaskas na lang nila pader !!!!! .......atsaka, diba?? nasa bibliya..bawal yang premarital.... mag-asawa lang dapat gumagawa.....sabagay..sa panahon ngayon.... ??? uso pa ba sa tao ang bibliya... pero masaya magbasa nun may mga part dun kasi na hindi mo titigilan hangga't di tapos... , promise.
Balik tayo sa topic... XD, pagkatapos kaya ng 10-15 taon ano na kaya ang ginagawa ng mga batang yuon?? baka mapagaya sila sa nanay nila nag-anak na rin ng maaga... kasi akala yun ang solusyon upang makatakas sa problema... hayssssssss. ang mundo nga naman. Minsan navavalidate talaga yung kasabihan na "histori repeats itself" . . . . .pero.......tandaan... aging andiyan si pagbabago hindi yan mawawala..atsaka pala si PAG-ASA anjan din siya lagi, minsan di mo lang nakikita kasi nagtatago (hindi yung pag-asa na taga-detect ng weather aa. lul), oo lam ko mahirap talaga magpa-unlad sa buhay. pero sa paunti-unti pa sa san' pa't didiretso din yan dun.. wala namang imposible diba??? (AA sa panaginip, wala talagang impocble XD). tapos makipagkaibigan kayo kay bro... gabi-gabi makipagchikahan kayo sa kanya... hindi naman siya mahirap kausap e...minsan hindi lang tinutupad yung mga hiling natin kasi hindi yun para sa'tin, may mga bagay na mas maganda siyang pinlano para sa'tin hihi...
(parang nawawalan ng sense habang tumatagal hahaha )






