Friday, October 22, 2010

mga tsong.ayun oh sembreak ko na...ayos naman ang last day ko ng klase hindi naman kasi ako nabadtrip e...kung baga pwede mong sabihing last but not the least oha!..so yun na nga simula na ng bakasyon ko ..jusko naman halata naman ang eksena nito araw-araw..gigising, kakain, nuod, pc, ligo, tulog, gising, nuod pc, sus..grabe magkakasawaan nito..kaya samahan niyo kong manalangin na sana may maset na gala para naman mabago ang ikot ng mundo kahit papano..ay sabagay after 1 week babalik din naman pala ako sa school, mag-eenroll na din kasi ulit ako e, hay nako naglalaro talaga sa isip ko kung sino-sino mga magiging kaklase ko next sem, panibagong mukha ba na naman ang sasagupain ko next sem? o retain pa din ..ay ewan bahala na, basta sasabay ako sa kung sino mang mga mag-eenroll sa kaklase ko bahala na kung saan mapadpad wala naman ako choice e, balik tayo sa sem break ko, sabagay wala naman ako makukwento tungkol sa sem break ko dahil kung nagkakasundo tayo sa salitang "boring" e apir tayo jan ! hindi ko na kailangan pang i-detalye ang pakiramdam ng makulong sa bahay ., pero ang labo talaga ng mundo ay hindi ng mga tao pala...specifically, ng mga estudyante....pag may pasok gusto magbakasyon pag bakasyon gusto pumasok...e ano gusto niyo mangyare??...sabagay, may mga bagay kasi sa school na masaya na wala sa bahay..at may mga bagay sa bahay na masarap na wala sa school,... atsaka ganun naman talaga ang tao ,nagrereklamo pag wala, nagsasawa pa meron...parang sa school ..pag andun ka kulang ka sa tulog kaya ang sarap nga naman imaginin ng bakasyon na kahit gaano kahabang tulog ay pwede mong gawin, samantala pag bakasyon naman hindi nga naman ganon kasaya dahil iba talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang mga kaibigan mo ..aminin mo man o hindi napakasarap humalakhal pag sila ang kasama mo..yung tipong sobrang laya ba ng pakiramdam mo,... hays.

[ to be continued - tinamad ako bigla e..may kausap kasi ako sa telephone bigla ]

Wednesday, October 13, 2010

uy mga bata kumusta na! ang tagal ko ding hindi nakapagpost dito ano ?
ewan ko lang kung madami ng nagbago sa paligid.....hindi ko na napapansin dahil sa bilis ng takbo ng oras...aba akalain niyo ngayon e college na ko..oo college na ko...parang kelan lang high school pa ko at puro tawa lang ang alam gawin sa mundo (sabagay hanggang ngayon nman ata e)..nga pala Civil Engineering ang kinuha kong course .....hay.... pero secret lang natin to aa.....gusto talaga nila ko mag -accounting ....hay...hindi ko naman ba alam sa sarili ko ..gusto ko ako lagi nasusunod pero wala kong magagawa sadyang ganun at ako ang nasunod ..pero syempre kahit papano may konting takot at konsensyang sumasagabal sakin - e kasi diba dapat sundin daw ang utos ng magulang....mamaya karmahin pala ako...malay mo hindi pala ko pumasa sa board T_T (grabe pag nangyari yon parang ayoko ng magpakita sa tao) kaya nga ngayon pa lang dinadasal ko na na sana e pumasa sabagay nasayo naman yan kung papasa ko o ano e....wala yan sa school ..o sa kung ano pa man....
TANDAAN : kahit ang school mo na ang pinakabulok na school sa lahat, kahit ang prof mo na ang mga pinakatamad magturo sa lahat, kahit ang mga kaibigan mo na ang pinakagago sa lahat at kahit ikaw na ang pinakamahina ang IQ sa lahat e hindi pa rin yan hadlang para bumagsak ka sa board exam... (haha anu daw?? parang nagtake na ko ng board aaaa)
pero pag bumagsak ka naman talaga e wala kang dapat ibang sisihin kundi ang sarili mo lang ...
anyway balik tayo sa buhay ko..... eto 1 week na lang sembreak na..as in SEM BREAK kasi nung high school hindi mo naman masasabing sembreak e ,kasi wala namang sem... ayun ..... so far naman mga subject ngayon 1st yr 1st sem e hindi pa ganun kabigat kung baga petiks lang pero nangangatog ako sa hitsura ng subject ko next sem ..parang yun na ang simula ng college.... tatlo yung math..ay apat pala... kasama yung chem.... ay nga pala yung klase namin ..3 lang kaming babae..hahaha wew e noh...nung una di ako sanay syempre mula naman elementary karamihan ng kaklase ko babae e...pero nung nagtagal ayun sanayan na din..ikaw ba naman pumasok araw-araw mga muka nila makikita mo syemppre masasanay ka din...
hay..tinatamad na ko magkwento sa susunod na post na lang ulit pag sinipag (obviuosly you'll count months) ....pang update lang para naman hindi mabulok ng sobra

Saturday, August 14, 2010

ow! sorry i ruined the layout..i'll just fix it soon.:)