mga tsong.ayun oh sembreak ko na...ayos naman ang last day ko ng klase hindi naman kasi ako nabadtrip e...kung baga pwede mong sabihing last but not the least oha!..so yun na nga simula na ng bakasyon ko ..jusko naman halata naman ang eksena nito araw-araw..gigising, kakain, nuod, pc, ligo, tulog, gising, nuod pc, sus..grabe magkakasawaan nito..kaya samahan niyo kong manalangin na sana may maset na gala para naman mabago ang ikot ng mundo kahit papano..ay sabagay after 1 week babalik din naman pala ako sa school, mag-eenroll na din kasi ulit ako e, hay nako naglalaro talaga sa isip ko kung sino-sino mga magiging kaklase ko next sem, panibagong mukha ba na naman ang sasagupain ko next sem? o retain pa din ..ay ewan bahala na, basta sasabay ako sa kung sino mang mga mag-eenroll sa kaklase ko bahala na kung saan mapadpad wala naman ako choice e, balik tayo sa sem break ko, sabagay wala naman ako makukwento tungkol sa sem break ko dahil kung nagkakasundo tayo sa salitang "boring" e apir tayo jan ! hindi ko na kailangan pang i-detalye ang pakiramdam ng makulong sa bahay ., pero ang labo talaga ng mundo ay hindi ng mga tao pala...specifically, ng mga estudyante....pag may pasok gusto magbakasyon pag bakasyon gusto pumasok...e ano gusto niyo mangyare??...sabagay, may mga bagay kasi sa school na masaya na wala sa bahay..at may mga bagay sa bahay na masarap na wala sa school,... atsaka ganun naman talaga ang tao ,nagrereklamo pag wala, nagsasawa pa meron...parang sa school ..pag andun ka kulang ka sa tulog kaya ang sarap nga naman imaginin ng bakasyon na kahit gaano kahabang tulog ay pwede mong gawin, samantala pag bakasyon naman hindi nga naman ganon kasaya dahil iba talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang mga kaibigan mo ..aminin mo man o hindi napakasarap humalakhal pag sila ang kasama mo..yung tipong sobrang laya ba ng pakiramdam mo,... hays.
[ to be continued - tinamad ako bigla e..may kausap kasi ako sa telephone bigla ]







No comments:
Post a Comment