Saturday, March 31, 2012

biglaang pagpost ngayong vac.

BAKASYON NA NAMAN!
pero actually dapat itresure ko na tong bakasyon ko kasi this is the second to the last vacation of my life.
kasi next next year OJT ko na tapos after that year gagraduate na ko which means wala ng pahi-pahinga sa buhay.
Hays..speaking of bakasyon, naalala ko yung mga bakasyon ko nung bata pa ako. Masaya noon. kasi bata nga diba? edi mababaw lang ang kaligayahan. Hindi ako pinaglalaro sa labas ng bahay namin tapos wala din naman akong kapatid na bata or kasamang bata sa bahay kaya wala akong kalarong bata kaya nga lampa ako e sa totoo lang pero kahit ganon masaya pa din bakasyon ko kasi pag gising ko sa umaga nakaready na yung breakfast tapos nunuod lang ako ng mga cartoons na pang umaga , and speaking of cartoons ang laking pagkakaiba ng cartoons dati nung elementary ako kaysa sa cartoons ngayon kasi yung dati simple lang pero may moral lessons na oo hindi siya siguro kasing cute ng mga drawing ngayon pero kung yung effect naman sa mga batang manunuod ang paguusapan e lamang yun..atsaka dati hindi lang cartoons yung pinapalabas pag umaga may mga educational shows din tuturuan ka mag math, science, history.... at iba pa. E kaso ngayon tinanggal na nila siguro kasi hindi na patok sa panlasa ng mga bata kaya siguro takot sila bumaba yung rating nila syempre pera pera lang naman sa ganyang industriya e. pero hayaan na pakialam ko ba sa kanila, masasaya din naman yung mga cartoons ngayon, kaso yun nga e sa sobrang saya wala ka ng napala tapos nakakaasar pa minsan tinatagalized pa yung cartoons okay na nga sana kahit wala siyang kwenta e tapos english atleast natututo yung mga bata mag english kahit papano e kaso mas naging wala pang kwenta at mukhang timang nung tinagalized .WEW! naman talaga. Tapos dati nung bata ako TV lang naman halos ang tinututukan namin, e ngayon grabe dami na media sa paligid..i mean ..like social media, kaya bata pa lang ngayon meron ngmga facebook, twitter etc. haha tapos ang gagaling ng mga batang ito grade 6 or grade 5 pa lang marunong ng pumose sa mga picture kung pano magpacute. O diba..magtataka ka pa ba kung bakit sumisikip na ang tao sa Pilipinas.. "mas bata mas hitad na e":)) kakatawa nga naman oh.

Dati pag bakasyon summer talaga e ...stable lang si weather. Oo mainit nuon, pero di tulad last year na nadanas namin SOBRANG HOT!!!!! yung tipong pag natulog ka gusto mo dun ka sa freezer kasi ang lagkit-lagkit at ang init talaga, tapos ngayon naman year na to maulan (haha pero wala akong angal kung maulan kasi i love rain e kaya masarap sa feeling kung ganito ang summer) pero for the sake of equality (lol? wtF?) magulo talaga ang weather kasi summer na summer umuulan , baka naman bumaligtad nako, sa pasukan naman sobrang init tapos wala ng bagyo, nako kawawa naman kaming mga estudyante mawawala na ang inaabangan naming mga class suspension, pero actually mas beneficial lang naman yan sa mga elementary at high school, kasi pag college kailangan tumba tumba na mga poste at dapat abot tuhod na rin yung baha, bago isuspend e kaya ayun. Bigla ko tuloy naalala ang pasukan (hala ayan kasi e haha wala na tuloy yung topic tungkol sa bakasyon, inconsistent tuloy ako epic fail na writer talaga XD) , nakakamiss mag aral pag bakasyon nakakamiss magsulat, magbasa, magmemorize, pero yung pagpupuyat never ko mamimiss yan nakakamiss pumasok sa school, kumain sa hepa lane, hindi ko din namimiss ang paggising ng maaga (i hate it e), mag dota, makinig sa mga payong mala-magulang ng mga teacher, maipag tawanan sa mga kaibigan, tumambay sa comp shop pag walang prof hays........ pero binabawi ko na.... kelangan ko nga pala itreasure tong bakasyon ko kaya erase erase muna haha.

hmm..actually my plans na kofor this summer. and these are the ff:
-careerin ang pagiging online seller
-driving lessons! (err i need to learn na kasi i'm going 18 na so i have to get my license na. haha eche ang arte ko no)
-develop my piano skills through self tutorial (currently studying "Marry your daughter" chords with matching trying hard singing lol)
-bumilii ng polymer clay at magexperimento (kaso kelangan pa nito ng work shop e bago matuto tapos ang mahal mahal naman isang session lang , mahal din yung book huhu)
-and lastly ibalik ang mga dati kong ginagawa sa online world, like eto, blogging and plurking siguro

ewan ko kung ano masusucceed ko sa mga yan pero one at a time muna pag tinamad sa isa, palit lang ng gagawin haha

hays. nag aabang pa nga pala ako ng grade hays sana naman umabot yung GWA ko sa scholarship . Gusto ko kasing may i-prove lang sa sarili ko. pati para naman makagaan ako sa bulsa nila mama diba tsaka syempre dagdag baon yun e ..haha yun yun e. kaso nanganganib akong malaglag sa target grade ko kasi baka mababa yung pe ko hay naiinis ako.kumpleto naman attendance ko e sadyang tanga lang ako mag laro! duhh naman kasi FENCING pe ko nakakaloka ang liit liit ko kaya hindi ko maabot agad yung kalaban tsaka lampa nga ko as i stated a while ago. hmp. naiinis nga ako e. PE pa yung magiging panira sa grade ko huhu. sana naman kayanin . hayaan na bawi nalang siguro next sem kung makabawi pa e kaso majors na e for sure mas mahirap na ito. hays. osige

magpapaalam muna ko ha bye for now :)

No comments:

Post a Comment