(dapat nung monday ko ito ipopost, but because of the fu**ing phone, an internet connection cannot be established, so pag habang binabasa niyo siya isipin niyo monday,june 15)
Hindi ko alam kung ngingiti ako o ngingiwi sa balita , halos maulan-ulang mag-wawan terti ng tanghali nang makatanggap ako ng isang teksto mula sa aking kaklase , "15 n rw pxukan??" wari'y wala pang kasiguraduhan, kinumpirma ko ito sa kanya ngunit hindi siya tumugon, ilang minuto ang nakalipas nakatanggap muli ako ng teksto sa isa ko pang kaklase, bali dalawa na ang nagsabi sa akin, ngunit pareho silang walang katiyakan sa mga pinagsasabi, hindi naman ako makapag GM sa kadahilanang tinatamad ako pumindot ng keypad at sa pagkaka alam ko din ay expired na ang UNLi ko sa mga oras na yaon, nag onlayn na lang ako sandali sa ym upang tanungin sa ibang ka-schoolmate ko ang tungkol sa pag-usog ng klase , ang sagot ng una ay "daw" , ang sagot ng pangalawa ay "di ko nga lam e, ang gulo" ang sagot ng pangatlo ay "weh?", sa kalagayang iyon mukhang pare-pareho kaming walang kasiguraduhan sa balita, maya-maya pa'y natanggap ko na ang kumpirmasyon ng balita , isang text brigade galing sa pangulo ng aming campus .
Kaya pala hindi ko maramdaman ang presence ng pasukan nung nakaraang linggo e, kasi hindi pala ito nakatakda ngayon, kahit na medyo excited ako, sa ngayon naman tanggap ko na ng buong puso na magbibilang na naman ako ng anim na araw bago magpasukan, sabagay medyo hindi pa naman nakakondisyon ang katawan ko na gumising ng maaga , ni-hindi pa nga nawawala ang bestfriend kong eyebugs kahit na pinipikit ko na ang mga mata ko ng maaga sa gabi habang ang diwa ko'y gising na gising na nagliliwaliw at ang tainga ko ay nakikinig ng tugtog ng musika at boses ng mga paborito kong DJ habang dumadaloy sila sa headset na nakakabit sa aking selpown, sa ngayon halos may isang linggo pa ko para bumawi ng lakas. Sa totoo lang hindi pa nga ako nakakabili ng mga gamit sa school e, mga books oo meron na ako, siguro sa Linggo na lang ako bibili ng iskul suplays, para kaunti na lang ang tao, kahapon kasi pumunta kami ng bookstore ng pinsan , e tinamad na kami kasi ang daming tao ,overcrowding, bago ka makakuha ng notbuk e nadanggi ka na ng kung sinu-sino, tapos mahaba pa ang pila sa cashier, kasi nga naman kinabukasan (ngayon) pasok na ng ibang school , haha mainggit sila next week pa kami. XD. at para sa amin marami pang araw para kami'y makabili, HIHIHIHI.
Kani-knina lang tumawag yung isa kong barkada, tinanong niya kung kailan ba talaga ang pasok, kasi hindi pala lingid sa kanyang kaalaman na napostponed nga ang klase namin, kaya pumasok siya, excited pa man din, hindi niya kasi nababasa ang mga GM(group message) ng iba naming kaklase sa kadahilanang hindi niya binubuksan ang kanyang cellphone , nakonsensya naman ako para ba kasing wala man lang ako nagawa para ipaalam sa kanya, hindi ko naman siya matawagan kasi tinotopak yung telepown namin ,nakakainis kasi ang BAYANTEL, binabayaran naman sila buwan buwan ng maayos bakit ayaw nilang ayusin trabaho nila, sino luge ? sila ba? , yan tuloy ngayon lang niya nalaman, nakonsensiya naman ako dun T_T ,para kasing walang kwentang kaibigan ako. Sana nga wala siyang sama ng loob sa akin, sabagay kahit naman ako hindi ko maiiwasang magtampo kapag ganun,pero hindi ko nama obligasyon ipaalam sa kanya ang mga pangyayari sa kamunduhan, kahit pa kaibigan ko siya, responsibilildad niyang alamin yun, malay ko ba kasing hindi siya updated sa pagpostponed ng klase.







No comments:
Post a Comment