Wednesday, June 10, 2009

para sa mga rallyista

Ilang beses na silang nagwewelga tungkol sa mga ka-eklavuhan daw ng pangulo o ng kung sino mang politiko na ikinaiinis nila , hindi na ba sila napapagod ? ilang rally na ang nagawa nila pero walang nangyari, ay meron pala ang dami nilang polusyong naidulot , una NOISE pollution, halata naman kung bakit diba ? tapos kapag sinusunog nila yung mga kung anu mang dala nila na simbolo nung pulitikong kinaiinisan nila, AIR pollution yun, at pagkatapos nilang mag-sisigaw ng kung anu-ano at buhusan ng tubig , iiwan na lang nila yung kalat nila sa kalsada na pwede rin nating tawaging LAND POLLUTION, sino bang maghihirap na maglinis nun, walang iba kundi ang ating dakilang metro-aid, buti sana kung papaswelduhin ng mga rallyista na yun ang pagod na pagod na naglinis ng kalat nila, eh hindi naman eh, ewan ko lang kung may bonus sila pag ganun kadami ang nalinis nila, kung meron man hindi siguro yun ganun ka-sapat, sa tingin ko lang, wala naman kasi akong alam sa metro-aid, at hindi lang pala polusyon ang nagawa nila isang malaking TRAFFIC pa, isang malaking sagabal sa mga may lakad at trabaho.

Kung gusto nila ng pagbabago sa bansa simulan nila sa sarili nila, yung iba, sinasama pa ang mga anak nila at mga bata, aysows, wala pa nga sa tamang pag-iisip yung mga bata tinuturuan nila ng ganun, anung malay ng musmos na isip sa pulitika ? imbis na turuan nilang maging aktibo sa rally turuan na lang nila na maging aktibo ang mga bata sa klase, malaking tulong pa sa isip ng bata yun para maging positibo sa buhay, at kapag lumaki yan ng matalino , may posibilidad yan na ma-iskolar pagdating ng kolehiyo at hindi yan mahihirapan makahanap ng trabaho pagkagradutae, at pag nagkatrabaho yan, may bubuhay na sa pamilya niyo, o diba ? ,ayan lumalayo na ko, yung ibang urban poor sinisisi nila sa gobyerno kung bakit wala pa ring pagbabago pagkatapos mangako at maluklok sa pwesto ng binoto nila , e krung-krung pala sila e, bakit sila naniwala ? bakit sila nagpaloko? nung nangangampanya tapos ngayon magrereklamo sila na walang kwenta atsaka kasalanan ba naman ng iba kung bakit sila naghihirap , kung nagtiyaga sila edi may nilaga na sila, kung hindi sila nagpariwara, nagpabuntis ng maaga, odi sana nakapagpatuloy pa sila ng pag-aaral, wala namang imposible sa taong nagsisikap, pramis, samahan mo pa ng pag-ibig mo sa Diyos, panigurado gagabayan ka niya sa buhay mo. Kaya nga tayo binigyan ng kanya-kanyang buhay ng Diyos e para buhayin ang sarili natin, hindi para iasa sa iba .

Siguro malaking impluwensiya rin ang media sa tao. mas madalas kasing ibalita sa telebisyon o sa radyo ang mga negatibong nagagawa ng ating mga pinuno kaysa sa mabuting nagawa nito, sino nga namang matutuwa pag narinig iyon ? at agad na magsasagawa ng pagwelga, hindi ko naman sinasabing huwag nilang ipahayag ang ganoong mga pangyayari , trabaho nga naman nila yun, pero bakit paminsan lang silang magbalita ukol sa mga magagandang bagay na nagawa ng ating pinuno?,(siguro ang isasagot mo sa tanong na ito , "KASI YUN ANG TOTOO,WALA SILANG NAGAWA, KAY WALANG IBABALITA"), at kapag narinig naman yun ng madla magkukumento pa sila na kaplastikan lamang yun at pangangampanya, anu ba namang mentality disorder yan, iba na talaga kapag may pangalan ka siguro mas sisikat ka sa nagawa mong mali kaysa sa pagiging mabuti mo. Siguro lang naman

Sabi sa akin ng pinsan ko ang iba daw na rallyista ay binabayaran lamang, sabagay sinong bang tatanggi sa pera, pero di ba nila naisip para sa pera ang dami nilang nabubulahaw , tulad ng nasabi ko sa unang paragraph, may iba namang mayayamang nagwewelga pa, sa pagkaka-alam ko nagpapasikat lang yan sa mga mahihirap , o kaya may ka-epalang taglay lang talaga sila, diba tinuruan naman sila ng disiplina ? i-apply naman nila.

Meron pang ibang pinuno na kapag may kalaban sila e ayan na nagpapasimula na naman, tama ba naman i-brainwash ang utak ng tao para mag-rally against dun sa kalaban niya, tsktsk, matatawag ba iyong matinong pinuno .

Alam ko masakit buhusan ng tubig , masiritan ng tear gas, mapukpok ng batutay at matulak ng ultra mega super powerful shield pulis, pero mas masakit naman po kaya sa kalooban ang makita mo ang pangalan mo na nakasulat ng malaki sa mga tolda o banner na may kasamang mura, kung anu-anong masakit na tawag sayo at gusto kang patayin, para bang binaboy ang pangalan mo, at tinapakan na ang dignidad mo, imaginin mo nga ikaw ginaganun, baka magpaka-Emo ka niyan.

Kung may galit at inis naman talaga kayo at hindi niyo mapigilan ang bugso ng inyong damdamin edi pumunta kayo ng Malakanyang, sugurin niyo tapos dun niyo ipamukha , atleast kahit papano hindi niyo naabala ang ibang tao, sabagay hinidi nga naman kayo papapasukin dun, edi gayahin niyo na lang ako mag-post kayo sa kahit saang site tungkol sa hinanakit niyo, pero gumamit naman kayo ng pormalidad , hindi yung puro g***, f***, pu#$@%&*$, sabagay hindi naman lahat ng tao mahilig sa PC, pwede rin pala kayong magpaka-Rizal kung gusto niyo gumawa kayo ng nobela, or kaya alam niyo yung SILENT PROTEST, kung di nila alam, pwes alamis nila, bahala na kayong umisip ng ibang alternatibo sa rally.Tignan niyo noong panahon ni Marcos bawal umangal, may magandang naidulot naman ito kahit papano diba ? ang linis ng Pinas huwag niyo na lang isipin, , yung mga napatay, e kasi kaya sila pinatay kasi ayaw nila magpa-awat e.

Paano nga ba makaka-ahon si Juan deka Cruz, kung hindi tayo nagtutulungan. at mismong sarili natin ang naloloko natin (ngek anu daw? di bagay.XD), nasa demokratikong bansa nga tayo, pero hindi ibig sabihin nun na dapat nating abusuhin ito .

Madaming ibang bagay na dapat pang pag-kaabalahan, tulad ng paglinis ng ilog Pasig, at pagtapon ng basura sa tamang tapunan, yung mga materyales na ginagamit sa pag-rally tignan niyo i-compute niyo yung nagastos niyo diyan ? o di may pang starbucks na kayo o kahit mcdo at jolibee .

Oo isa lang akong teenager na walang alam sa pulitika, inocente ang utak sa nangyayari at walang karapatan magsalita ng ganito, ,pero kahit papano may chain reaction sa katawan ko kapag nakakapannuod ako ng mga balita. Haha, malamang konti lang aagree sa aking mga pinagsasabi, baka nga wala pa eh, hindi lang talaga kasi ako natutuwa kapag nababalitaan ko ang mga ganitong sitwasyon, baka sabihin niyo kampi ako sa pangulo o kung sino pa man,ewan ko din kung saan ba ako kakampi, tulad nga ng sinabi ko,inocente pa ang utak ko sa ganyan, syempre para safe haha, Okay lang naman sa akin ang mga aktibista, ayoko lang sa pamamaraan ng mga rallyista, kahit papano may pinag kaiba naman sila diba ? . Sige hanggang dito na lang,Kung may angal kayo magcomment kayo pero siguraduhin niyong maayos yang pananalita niyo ha, para respetuhan po tayo. hehehe

No comments:

Post a Comment